Home » , » Manananggal and Aswang in the City

Manananggal and Aswang in the City

Written By irvan hidayat on Senin, 05 Maret 2012 | 02.54

Stories

[Taken from a News Website [1]:]

Manananggal gumagala sa Caloocan City
(Manananggal roaming in Caloocan City)
By: Gemma Amargo

Nababalot ngayon ng takot ang mga residente sa isang liblib na barangay sa Caloocan City matapos na masaksihan ng mga ito ang isang lumilipad na babae na kalahati ang katawan na umaaligid sa bahay ng isang buntis, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa mga residente ng Brgy. Tala, dakong alas- 11:55 ng gabi nang makita ang lumilipad na babae na pinaniniwalaang manananggal na may mahabang buhok at matutulis na kuko at nagliliyab ang mga mata.

Ang naturang manananggal, ayon pa sa mga residente ay umaaligid sa bahay ng isang Tessie Acuna, 31, na walong buwang buntis.

Binanggit naman ni Mang Tomas, isang residente sa naturang barangay na hindi na bago sa kanila ang ganitong mga pangyayari dahil tatlong taon na ang nakakalipas ay sumalakay na ito sa kanilang lugar.

Isang buntis din umano ang sinalakay nito at napatay. Kinuha umano nito ang puso at sanggol sa sinapupunan ng ginang.

Dahil dito, muling nagsagawa nang mahigpit na pagroronda ang ilang grupo ng mga kalalakihan na armado ng matutulis na kawayan at gulok.

Hindi naman umano nila makuhang humingi ng tulong sa pulisya dahil sa pangambang baka pagtawanan lamang sila ng mga ito.
Two at night, the residents of the distant barangay in Caloocan City was covered with fear after they witnessed a flying woman with her half body roaming around the house of a pregnant.

According to the residents of Brgy. Tala, at about 11:55 pm when they saw a flying woman, which they believe to be a manananggal, having a long hair and a pointed nails, and a flaming eyes.

The said manananggal, according to the local residents, was roaming around the house of Tessie Acuna, 31, eight-months pregnant.

Mang Tomas said, this was not a new story for them because three years ago the same being attact another resident in their barangay.

Likewise a pregnant woman was said to be attacked and killed by this. She took her heart and unborn child from inside her body.

Because of this, some groups of men armed with pointed bamboos and bolo planned again to patrol at night.

They said, they can't consult help from police because they might just laugh at them.


[Taken from a News Website [2]:]

Manananggal namataan sa La Union
(Manananggal seen in La Union)
By: Artemio Dumlao

SAN FERNANDO CITY, La Union – Imbis na fetus ng buntis na babae ang hanapin nang namataang manananggal na lumapag sa bubong ng estasyon ng radyo sa Wallace Air Station ay pinaniniwalaang ibig nitong makita ng personal si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumating noong Biyernes ng umaga.

Napag-alaman sa sister radio station (DZNL) ng Manila Broadcasting Company (MBC) na isang security guard ng Voice of America compound ang nakakita sa kalahating katawan ng babae na lumilipad at lumapag sa bubong ng power house bandang alas-12:30 ng madaling-araw ilang oras bago dumating ang Pangulo sa nabanggit na lungsod.

Kaya naman biglang kumalat na parang apoy ang balita at nagkaroon ng haka-haka ang mga residente na posibleng ibig lamang makita ng harapan ang kanyang idol na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging kontrobersyal na "manananggal" din ng mga tiwaling opisyales ng pamahalaan.

Ilan naman sa mga residente ng nabanggit na lungsod ay hindi kinagat ang kumalat na balita at ang iba naman ay nag-isip nga kung may katotohanan ang napaulat.

Hindi naman kaagad nabatid kung naipagbigay-alam ang kumalat na balita sa Pangulo na nagtungo sa naturang lungsod upang bigyan ng moral support ang naisalbang dinukot na si Jakie Rowena Tiu.

Magugunita na noong 1998 ay may namataan din ang residente na manananggal na umaaligid sa mga kabahayan na pinaniniwalaang naghahanap ng mabibiktima.
SAN FERNANDO CITY, La Union - Instead a manananggal searching for a fetus of pregnant woman, they saw her went down to the roof of a radio station in Wallace Air Station which was believed that this being just want to see President Gloria Macapagal-Arroyo who arrived last Friday morning.

Found out from the sister radio station (DZNL) of Manila Broadcasting Company (MBC) that a security guard of Voice of America compound saw the half body of a woman flying at the roof of the power house at about 12:30 am, hours before the President arrives in the city.

That's why the news spread like a fire, and the residents' opinion was probably the being just want to see personaly her idol - President Gloria Macapagal-Arroyo, which was rumored by the corrupt officials of the government to be a "manananggal" herself.

But many of the local residents didn't believe on the news, and some doubted if it was true.

It was not known right away if the rumor was told to the President who went to the said city to give the kidnapped Jakie Rowena Tiu a moral support.

If we remember that on 1998, there was also a manananggal seen by a resident flying over the roofs of houses which was believed to be looking for a victim.



[Taken from a News Website [3]:]

Magsasaka nilapa ng aswang
(A farmer attacked by an Aswang)
By: Joy Cantos

CAMP CRAME — Nanalasa na naman ang kinatatakutang aswang na gumagala pagkagat ng dilim sa Davao del Sur makaraang lapain nito ang isang 52-anyos na magsasaka sa Barangay San Guillermo sa bayan ng Hagonoy kamakalawa.

Ang bangkay ng biktimang si Cornelio Regidor ay natagpuang tadtad ng kalmot ng matatalim na kuko sa iba’t ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang kagagawan ng kampon ng kadiliman.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan sa loob ng kanyang bahay ang duguang bangkay ng biktima na wasak ang dibdib at walang internal organ.

Naniniwala naman ang mga kamag-anak ng biktima na aswang ang pumatay kay Regidor dahil walang anu­mang tama ng saksak ng patalim o bala ng baril sa katawan.

Sa naunang ulat, gumagala ang aswang sa nabanggit na barangay sa tuwing gagapang ang dilim sa kalawakan kaya maaga pa lamang ay nagsisipagsara na ng kanilang mga tahanan ang mga residente.

Gayon pa man, binalewala naman ng pulisya ang paniniwala ng mga residente na kagagawan ng aswang ang pagpatay sa biktima dahil walang nakasaksi na makapagpatunay na aswang nga ang responsable sa krimen.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya upang malutas ang misteryosong pagpatay sa biktima.
CAMP CRAME — The frightful aswang started to wander again whenever darkness came at Davao del Sur after attacking a 52-year-old farmer of Barangay San Guillermo in the town of Hagonoy this past two days.

The corpse of the victim - Cornelio Regidor, was found full of scratches of sharp nails in any part of his body which was believed to be done by a creature of darkness.

According to the news sent to Camp Crame, he was found inside his house bathed with blood, and whose thorax was totally destroyed and with missing internal organ.

The relatives of the victim believe that Regidor was killed by an aswang because there was no knife stab or even a bullet of gun seen in his body.

In the first report, the aswang roams on the said barangay when every night came, thus every people closes there homes early in the evening.

However, the polices just ignore the belief of the residents that the victim was killed by aswang because there was no witness that can make it true that aswang was responsible with this crime.

In the other hand, the polices still continue solving the mysterious death of the victim.


Sources:
[1]http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=143618
[2]http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=172673
[3]http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=46174

Share this article :

0 komentar:

Posting Komentar

Diberdayakan oleh Blogger.
 
Support : Inaprofit.com | Ndybook | Paidtoface.com | Inashop.tk | Storecommunity.tk
Copyright © 2013. Cerita Daerah Pedalaman - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Community
Proudly powered by Blogger Power By: Inaprofit.com