Home » , » The Possessing Doll of Naic

The Possessing Doll of Naic

Written By irvan hidayat on Sabtu, 21 April 2012 | 01.44


Stories

[Taken from Internet:]

Ang Manikang Sumasanib

Ang susunod na sulatin ay batay sa mga nakalap na kwentong-bayan, "patotoo" mula sa mga nakaranas, at/o mga salaysay na bagaman walang matibay na sandigan, maiging lumaganap hindi lamang sa kabihasnan, kundi sa mga liblib na kanayunan ng Naic.

Samantala, upang mapangalagaan sa kung anumang maaaring maganap, hindi ilalantad ang kanilang mga tunay na pangalan.

Sa gitnang bahagi ng Kalye Pelaez, isang berdeng bahay ang matatagpuan. Bagaman ilang dekada na rin itong natatayo, hindi naman ito napapabayaan, at regular pa ring ipinaaayos at pinapipinturahan. Dahilan ang mga orihinal na may-ari ay sa Amerika na naninirahan, ang nasabing bahay ay pinauupahan na lamang. At sa lahat ng nanirahan, sari-saring kwento ng kababalaghan at katatakutan ang sa kanila'y maririnig--mga kaluluwang tulung-tulong na nagbabangon sa tulog; kaluluwang nagbabantay sa sanggol; mga tumutugtog sa lumang piano; humihila ng silya at lamesa; atbp. Subalit isa sa mga makatawag pansin sa mga kababalaghan, sa lahat ng lumang gamit na naroon, ay ang antigong manika na 'di umano'y sumasanib... naghihiganti.

Tag-init, taong 2002, gabi noon at walang kuryente. Sa pagiging bukas ng mga noo'y nakatira sa bahay, maraming kabataan ang nagkakatipun-tipon, nagkwekwentuhan at nagkakatuwaan. Samantala, hindi naiwasang pag-usapan ang mga kwentong katatakutan gayong makailang bahay lamang ay may patay na nakaburol.

Isa sa mga nasa bahay noon ay si Kano. Kilala si Kano sa baranggay bilang isa sa mga astigin at tigasin. Bahagi ng katuwaan, kinuha ni Kano ang isang manikang maraming taon nang hindi nagagalaw. Hindi lalayo sa tatlong talampakan ang taas ng manika, na ayon sa mga nakakita'y tila may sarili nang buhay. Sa ibang perspektibo, masasabing ang manikang iyon, kasama ang iba pang manika sa bahay, ang silang matatagal nang naninirahan sa bahay. Ginalaw at pinanakot pa ni Kano ang manika sa mga kasamahan. Sa 'di sinasadyang pangyayari, naputol ang kamay ng manika. Mabilis naman ang mga sumunod na pangyayari. Biglang-bigla, hindi na maigalaw ni Kano ang kanyang buong katawaan. Pilit man siyang kumilos o magsalita, wala siyang magawa. Nagtagaktakan ang pawis ni Kano. Nagulat na rin ang lahat sapagkat wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Kano. Pilit na pinakakalma ng mga kasamahan si Kano. Nang maisip na may kinalaman ang nangyari sa manika sa sinapit ni Kano, sinabi ng mga kasamang humingi ng tawad si Kano. Nang sa isip ay makahingi na ng tawad si Kano, unti-unti na ring nawala ang kung anong pwersang bumalot sa kanya. Ayon kay Kano, hindi niya rin maipaliwanag ang nangyari sa kanya. Sinabi naman ng albularyong agad na natawag, ang espirito ng manika ang nagalit at pilit na pumapasok sa katawan ni Kano.

The Posssessing Doll

The following story is based from collected folklore, "evidence" from those who experienced, and/or from interviews, though it doesn't have a strong source, the legend still spread not only in cities but also in distant villages of Naic.

In the other hand, to protect them for something that will happen, their real names are not revealed.

In the middle part of Kalye Pelaez, a house painted in green is to be found. Although it was built decades ago still it was standing, the house was not neglected, and it was cared and repainted regularly. The said house was being leased because the original owners were living in America. And to all those who had lived there, various mysterious and frightful stories can be heard from them -- ghosts who help waking individuals from sleeping; ghosts guarding babies; those who played old pianos; those who pulls chairs and tables; and many more. But the most known mysteries, of all the old things there, was the antique doll which was said to be the one who possesses... avenging.

Summer, year 2002, it was at night and there was no light (electricity). The previous leasees, being open to everybody, many children got together, having conversation and horrifies one another. Meanwhile, telling horror stories can't be avoided especially there was a weak few houses away.

One of the people in the house was Kano. He is known in
barangay as one of the bravest and strongest. As part of their game, Kano took a doll which was not been moved there for years. It's height was almost three feet, which according to those who saw it, the doll seemed to have it's own life. In other perspective, you can say that the doll with the other dolls in the house was the oldest who lived there. Kano moved and used it to scare his companions. Accidentally, he broke the hand of the doll. What happen was very sudden. Abruptly, Kano can't moved his whole body. Whenever he forced to move or talk, he can't do it. His sweat downpours. Everyone was shocked seeing Kano never stop crying. They insisted to calm him. When they thought that the doll was the reason of what happened to Kano, they told him to say sorry. When Kano do so in his mind, slowly the force covering his body gone. According to Kano, he can't explained what had happened to him. The albularyo who was called immediately, said, the spirit of the doll got mad and forcely went inside Kano's body.

Info

I haven't researched informations regarding this yet. Naic is part of the province of Cavite in Southern Tagalog region.

Sources:

http://www.filipinoes.net/filboard/thread-3384.html

Share this article :

0 komentar:

Posting Komentar

Diberdayakan oleh Blogger.
 
Support : Inaprofit.com | Ndybook | Paidtoface.com | Inashop.tk | Storecommunity.tk
Copyright © 2013. Cerita Daerah Pedalaman - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Community
Proudly powered by Blogger Power By: Inaprofit.com